Nation

2M PAGBABAKUNA BAGO ANG F2F CLASSES APRUB SA SENADOR

/ 9 March 2021

BAGAMA’T hindi isinusuko ang pagsusulong ng agarang pilot testing ng face-to-face classes, nirerespeto ni Senador Sherwin Gatchalian ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na paabutin muna sa dalawang milyon ang nabigyan na ng bakuna kontra Covid19 bago simulan ang pagbubukas ng mga paaralan.

“This is a very difficult question to answer, it is really a judgment call.  If the President sees the 2 million is the number that will give that certain comfort level, not only to him but also to our parents because I talked to a lot of parents and they’re also quite uncomfortable with face-to-face classes, if that is the number that will bring up that comfort level, then we have to respect,” pahayag ni Gatchalian.

Positibo naman ang senador na nalalapit na ang naturang target lalo pa’t sa mga susunod na linggo ay papasok na sa bansa ang mahigit isang milyon pang doses ng bakuna.

“Looking at the number of vaccines coming in the country that 2 million seems to be not far away. We’re ready. I think in the next few weeks we’ll have a million plus doses coming in, and the vaccines will start coming. A lot of the vaccines will start coming in the next few weeks so the 2 million mark is not so far away,” paliwanag ng senador.

Muling binigyang-diin ni Gatchalian na dapat pa ring magtiwala sa rekomendasyon ng mga eksperto at ibatay sa epidemiological measurements ang anumang desisyon.

“We should trust our scientists and medical experts especially epidemiologists to recommend what are the other epidemiological measurements that we should look at. We should look at positivity rates, we can look at transmission rates,” diin ng mambabatas.

Muling iginiit ng senador ang pagbuo ng panel of expert para sa pagdedesisyon kung saan na maaaring magsimula ng pilot test ng face-to-face classes.