NAMBUGBOG NA PNPA CADET SINIBAK
TULUYAN nang sinipa sa Philipine Military Academy ang dalawang kadete dahil sa pambubugbog at paggamit ng droga sa Camp Castaneda, Silang, Cavite.
Kinumpirma ni PNPA Director MGen. Rhoderick Armamento na inalis na bilang kadete si alyas First Class Denver na magtatapos sana ngayong taon makaraang bugbugin ang kapwa kadete na pumigil lamang sa kanya sa pag-inom noong Bagong Taon sa loob ng akademya sa Camp Castaneda, Silang Cavite.
Bukod kay alyas Denver; isa pang kadete na nagpositibo sa droga ang sinibak na rin.
Una nang ipinag-utos ni PNP Chief, Gen. Debold Sinas na imbestigahan ang pambubugbog ni alyas Denver sa kaniyang classmate noong Bagong Taon.
Ayon kay Armamento, matapos sumailalim sa summary proceedings at napatunayang gumagamit ng ilegal na droga ang naturang kadete ay napagdesisyunan na patalsikin siya sa academy.
Suspendido naman ng isang taon ang dalawang kadete na sangkot sa pambubugbog.
Dahil sa insidente, may mga ipinatupad na pagbabago ang pamunuan ng PNPA.
Binigyang-diin ni Armamento na ang insidente sa PNPA ay kanilang itinuturing na isolated cases lamang.