Nation

ISTRIKTONG HEALTH PROTOCOLS SA PNPACAT IKINASA

/ 4 March 2021

NANAWAGAN ang Philippine National Police Academy sa mga kukuha ng PNPA Cadet Admission Test sa Marso 7 at 8 na sundin ang istriktong health protocols upang matiyak na walang tatamaan ng Covid19 habang nagsusulit.

Una nang sinabi ni PNPA Director, Maj. Gen. Rhoderick Armamento na ang nakatanggap lamang ng Notice of Examination ang maaaring kumuha ng pagsusulit dahil ang mga ito ang nakapasa sa pre-screening.

Isa sa kailangang isumite tatlong araw bago ang eksaminasyon ay ang medical clearance mula sa lisensiyadong doktor.

Hindi papapasukin ang mas mataas sa 37.5 degrees Celsius ang temperatura, kailangan ding nakasuot ng face mask at face shield, at may baong alcohol na 70 percent solution.

Labinlimang examinees lamang ang papayagan sa examination room.

Kailangan ding magbaon ng black ballpen o pencil lead number 2 na gagamiting pansagot.

Bawal din ang nakasut ng sando, short, step-in o sandals.