4,468 LEARNERS, DEPED PERSONNEL TINAMAAN NG COVID19
NASA 4,468 mga estudyante at personnel ng Department of Education ang tinamaan ng Covid19.
Ayon sa ulat ng DepEd, ang mga nahawaan ng Covid 19 ay kinabibilangan ng 1,638 learners at 2,830 teaching at non-teaching personnel ng kagawaran.
Sinabi ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan sa basic education committee hearing sa Senado na binabantayan ng DepEd ang mga kaso ng Covid19.
“We, in DepEd, have been monitoring our cases of infection within the department both for personnel and learners,” pahayag niya.
Sa datos na inilabas ni Malaluan, ang Quezon province ang may pinakamaraming kaso ng Covid19 sa mga DepEd staff at learners na umabot sa 193.
Nagtala naman ang Batangas ng 158 kaso at Bataan ng 128.