Nation

PUP MARAGONDON EXTENSION PINAGAGAWANG INDEPENDENT CAMPUS

/ 26 February 2021

ISINUSULONG ni Cavite 8th District Rep. Abraham Tolentino ang panukala na gawin nang independent campus ang Polytechnic University of the Philippines-Maragondon Extension.

Sa House Bill 8790 o ang PUP-Alfonso Campus Act, iginiit ni Tolentino na panahon nang gawing independent campus ang PUP-Maragondon extension.

Ang panukala ni Tolentino ay batay na rin sa resolution ng Provincial Board ng Cavite na nagsusulong na i-convert na ang extension bilang PUP-Alfonso Campus.

Sa datos, July 7, 2013 nang itayo ang PUP-Maragondon Extension sa munisipalidad ng Alfonso.

“After more than 7 years of existence, the PUP-Maragondon Extension has produced hundreds of graduates, which include passers in licensure board examinations, pahayag pa ni Tolentino sa kanyang explanatory note.

Sinabi ni Tolentino na patuloy rin ang paglaki ng populasyon ng mga estudyante sa campus.

“The creation of the PUP-Alfonso Campus will ensure the continuous operation of the said educational institution as it will be funded properly, thru the passage of the proposed legislation. The PUP-Alfonso Campus will greatly benefit the underprivileged but deserving Caviteno students,” dagdag pa ng kongresista.

Sa ilalim ng panukala, bubuksan ang PUP-Alfonso Campus para sa mga estudyante nais kumuha ng graduate, undergraduate at short-term technical-vocational courses na nakapaloob sa areas of specialization nito.

Mandato rin ng PUP-Alfonso Campus na magsagawa ng research and extension services at magbigay ng progressive leadership sa mga specialized area nito, kabilang na ang graduate degrees sa ilalim ng PUP Open University System.