Campus

PUP INULAN NG REKLAMO SA SOCMED SA DELAYED NA PAMAMAHAGI NG MODULES

/ 25 February 2021

ILANG estudyante mula sa Polytechnic University of the Philippines ang nagbahagi ng kanilang sama ng loob kaugnay sa naantalang pamamahagi ng kanilang mga instructional material.

Ayon sa isang estudyante, pumunta na mismo siya sa PUP upang kunin ang kanyang modules dahil mayroon na lamang siyang 45 na araw upang tapusin ang mga module para sa isang semestre.

“NAKAKAGALIT. Nagsimula ang klase sa PUP noong OCTOBER 5 ngunit ngayon ko lang nakuha ‘yung modules ko. Ayon sa advisory ng OVPAA, April 9 ang deadline ng pagpasa ng requirements. Ibig sabihin, mayroon na lamang akong 45 na araw para tapusin ang reqs ko worth ONE SEMESTER,” ayon sa estudyante.

Ibinahagi rin ng ilang estudyante na kamakailan lang nila nakuha ang mga module at ang ilan sa mga ito ay may mga mali.

Una nang humingi ng paumanhin si PUP President Manuel Muhi dahil sa pagkakaantala sa pagpapadala ng mga module at nangako na sisikapin nilang lutasin ang mga problema sa susunod na semestre.

Umingay rin sa Twitter ang panawagang #NoFailPolicyPUP dahil sa mga problemang katulad nito.