YOUTH PARTICIPATION SA ANTI-DRUG ABUSE COUNCIL ISINUSULONG
ITINUTULAK ni Bulacan 1st District Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado ang panukala para sa partisipasyon ng mga kabataan sa Anti-Drug Abuse Council sa lahat ng antas.
Sa kanyang House Bill 2079 o ang proposed Lingkod Kabataan Laban sa Droga Act, iginiit ni Sy-Alvarado na mahalaga ang partisipasyon ng mga kabataan sa bawat kampanya ng gobyerno upang ito ay magtagumpay, partikular na sa kampanya kontra ilegal na droga.
“The prevalent trade and use of illegal drugs has destroyed not only the physical, emotional, and mental health of its users but also disrupted their relationship with their respective families and the morality of society as a whole,” pahayag ng kongresista sa kanyang explanatory note.
“The use and addiction for these prohibited drugs have caused a number of drug related crimes such as robbery, theft, homicide, and rape,” dagdag pa ng mambabatas.
Ipinaliwanag pa ng kongresista na kailangan ang partisipasyon ng bawat sektor, partikular ang kabataan para sa “better, safe at drug-free society.”
“The purpose of this bill is to institutionalize the participation of the youth in Anti-Drug abuse council in all levels so that the young and future generation will be able to proactively participate in the reform of our society specially the destruction of drug trade in the Philippines,” diin pa ng mambabatas.
Batay sa panukala, mandato ng Department of the Interior and Local Government, katuwang ang Department of Education, Commission on Higher Education at ang Philippine National Police na bumuo ng regulasyon para sa papel ng kabataan sa kampanya kontra droga.