Region

E-LEARNING WHEELS INILUNSAD NG DEPED TAGUM CITY

/ 22 February 2021

UMARANGKADA na ang e-learning wheels ng Department of Education Tagum City na magkakaloob ng serbisyo para sa kombenyenteng pag-aaral ng mga estudyante.

Gagamitin ito upang maglibot, maghatid at kumuha ng mga learning material tulad ng modules.

Magdadala rin ito ng mga donasyong gadget na maaaring mahiram at magamit lalo na ng  Alternative Learning System learners at ng mga estudyante na nakatira sa malalayong barangay.

Inaasahang makatutulong ang mga donasyon lalo na sa mga estudyante at pamilyang may suliraning pinansiyal.

Ang mga donasyon na gagamitin ng DepEd ay ipinagkaloob ni Tagum City Mayor Allan Rellon at ng Rotary Club of Golden LACES.

Labis naman ang pasasalamat nina Schools Division Superintendent Josephine Fadul, CID Chief Christine Bagacay, ALS Supervisor Leila Ibita, at PEESO Manager Rogeneth  Pagdilao sa  nasabing mga donasyon.

Tiniyak ng DepEd na ang mga donasyong  gadget at sasakyan ay makapagpapabilis sa   pag-access sa  dekalidad na edukasyon at makapagpapagaan sa hamon na nararanasan ng  mga magulang at mag-aaral ngayong panahon ng pandemya.