Region

SCHOOL-BASED FEEDING PROGRAM AARANGKADA SA ANTIPOLO

/ 18 February 2021

TINIYAK ng Schools Division Office ang implementasyon ng School-Based Feeding Program sa Antipolo City.

Ito ay sa pangunguna ni BLSS-OIC Director Lope Santos III at ng Department of Education Central Office.

Nagtungo ang grupo ng DepEd Central Office sa Bagong Nayon IV Elementary School upang silipin ang kanilang ipamimigay sa mga estudyante na naglalaman ng tinapay at prutas bilang bahagi ng SBFP.

Ipinakita rin ng Mayamot Elementary School ang proseso ng kanilang SBFP mula sa pag-repack patungo sa pagbabahagi nito. Ininspeksiyon din ang ‘Busog, Lusog, Talino’ program ng Juan Sumulong Elementary School.

Samantala, nagsagawa ulit ng consultative meeting ang mga kawani ng DepEd Central, Regional at Division ng Antipolo City upang alamin pa ang mga pangangailangan sa mga programa.

Malugod naman ang pangtanggap ng Schools Division Superintendent ng Antipolo City na si Dr. Christopher Diaz, mga kawani ng dibisyon, mga opisyal at ilang mga guro sa grupo ni Santos.