Nation

FACE-TO-FACE CLASSES MOVING TARGET — SENATOR

/ 11 February 2021

ITINUTURING ni Senador Sherwin Gatchalian na isang moving target ang pagbabalik ng face-to-face classes sa gitna ng patuloy na paglaban sa Covid19.

Bagama’t naniniwala si Gatchalian na ang ang face-to-face classes ang pinakaepektibong paraan ng pag-aaral, hindi rin naman, aniya, dapat balewalain ang mga ulat ng pagtaas muli ng infection rate.

“That is the million dollar question, when can we open classes using face-to-face or back to face-to-face? It’s really a moving target,” pahayag ni Gatchalian.

“I saw in the news that infection rate has jumped to two percent again. So, nanalo na tayo below one percent but again it jumped to two percent. In other words, as soon as we leave our guards down, these things can happen. The virus infection rate can go up again and that will prompt our decision makers to postpone and to take a safer route, postponing of face-to-face classes,” dagdag ng senador.

Aminado ang mambabatas na maging siya ay advocate ng face-to-face classes sa mga lugar na mababa o wala namang naitalang kaso ng Covid19.

Batay sa datos ng senador, 408 sa 1,500 lugar sa bansa ang Covid-free o zero-Covid, partikular ang Batanes at Siquijor.

“But then again I say this, face-to-face classes is a moving a target as soon as we have knowledge on what is going on and adjust to the environment of preventing infection then we can actually open some face-to-face classes in zero-risk or low-risk areas,” sabi ni Gatchalian.

Binigyang-diin ni Gatchalian na mahirap ang pagdedesisyon ng pagbabalik sa face-to-face classes dahil kailangang ikonsidera ang transmission ng virus, paggalaw ng mga tao at maging ng ekonomiya.

Inihalimbawa niya ang kaso ng Bontoc na isang remote municipality subait naging ‘hotbed’ ng bagong variant ng Covid19.