HYBRID PMA ALUMNI HOMECOMING APRUB SA IATF
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force at ng pamahalaang lokal ng Baguio City ang pagdaraos na hybrid na Philippine Military Academy homecoming alumni sa Pebrero 12 at 13 sa Academy’s Grandstand sa Fort Gregorio del Pilar.
Ito ang kinumpirma ni PMA Spokesperson Maj. Cheryl Tindog at sinabing dahil limitado ang papayagan sa face-to-face attendance, sa pamamagitan ng Zoom teleconference maaaring lumahok ang iba.
Naniniwala.si Tindog na hindi masisira ang tradisyon sa PMA alumni homecoming dahil magkikita pa rin ang mga mag-mistah at mayroon pa ring paggagawad ng natatanging cavalier.
Sa pag-apruba ng IATF sa tradisyonal na reunion ng mga PMAer, 30 percent lamang ng kabuuang cavalier ang maaaring face-to-face na dumalo at ang iba ay virtual na lamang.
Paalala naman ni Tindog na ang mga dadalo sa face-to-face PMA homecoming ay dapat dalhin ang negative result ng RT PCR at sundin ang health protocols habang nasa loob ng akademya.
Samantala, magsisilbing guest speaker sa Annual General Membership Assembly si Senate President Tito Sotto III habang ang tema ngayong taon ng homecoming ay “Passing on a Brighter Torch to our Successors”.
Nanindigan din si Tindog na ginagawa nila ang lahat upang hindi masira ang tradisyon ng taunang PMA Alumni Homecoming habang tiniyak ang kaligtasan ng mga kadete at cavaliers laban sa Covid19.