MAYO 18 BILANG NATIONAL HIGHER EDUCATION DAY BATAS NA
NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagdedeklara sa Mayo 18 bilang National Higher Education Day.
Ang Republic Act 11522 na pinirmahan ni Pangulong Duterte noong Biyernes, Pebrero 5, ay naglalayong ipagdiwang ang Mayo 18 na founding anniversary ng Commission on Higher Education
Ang CHED ay binuo noong Mayo 18, 1994 makaraang maisabatas ang RA 7722, kung saan binigyan ng kapangyarihan ang ahensiya na magsagawa at magrekomenda ng development plans, priorities, at programs sa higher education.
Mandato rin ng CHED na magtakda ng minimum standard para sa mga programa at institusyon na laan para sa higher learning na ginagabayan ng panels of experts at maisasakatuparan kapag dumaan sa public hearing.
“The CHED shall be the lead agency in charge of the preparation and implementation of an annual program of activities and advocacy campaign for the observance of the ‘National Higher Education Day’,” nakasaad sa bagong batas.
Alinsunod pa sa batas, lahat ng higher education institutions ay magkakaloob ng suporta at tulong para sa paghahanda ng taunang programa at aktibidad na isasagawa ng CHED para sa paggunita sa National Higher Education Day.
Ang RA 11522 din ang gagabay sa lahat ng pinuno ng government agencies, instrumentalities, public at private educational institutions, private employers, gayundin sa industry associations upang makamit ang tamang panahon at oportunidad sa kanilang mga mag-aaral at tauhan na makilahok sa pagdiriwang kapag National Higher Education Day.
Epektibo ang batas matapos malathala sa anumang publication na may general publication.