Nation

KITA NG LGUs SA TELCOS IPASOK SA SPECIAL EDUCATION FUND — SOLON

/ 6 August 2020

INIREKOMENDA ng isang kongresista na gawimg prayoridad ang edukasyon sa mga fee na binabayaran ng telecommunication companies.

Ayon kay 3rd District Bohol Rep. Alexie Besas Tutor, dapat na ilagak sa Special Education Fund ng mga lokal na pamahalaan ang mga ibinabayad ng telcos para sa kanilang operasyon.

Sinabi ni Tutor na bahagi na rin ito ng pagtugon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasa na ang mga nakabimbing ordinansa na may kinalaman sa pagtatayo ng telecom tower site sa bawat lokal na pamahalaan.

“For maximum development impact, the annual payments of the telecommunication companies should go into the Special Education Fund of each LGU, so that teachers and students would also gain from the new revenues,” sinabi ni Tutor.

Inirekomenda rin ng kongresista sa Department of Information and Communications Technology at sa Department of the Interior and Local Government na bumalangkas ng national standard sa pagbabayad ng telcos sa mga LGU.

“Probably more beneficial to the poor towns from 2nd to 6th class is the single nationwide rate, especially the tourism destinations in coastal areas, islands, and uplands,” pahayag pa ni Tutor.

Binigyang-diin din ng mambabatas na dapat matiyak na walang red tape at under the table negotiations sa pagtatayo ng mga cell tower.

Naniniwala ang mambabatas na sa pamamagitan ng mga hakbanging ito ay matitiyak na maaasahan at magiging mabilis ang internet connection ng mga estudyante sa ilalim ng ‘new normal’ kaugnay ng blended learning ng Department of Education.