Nation

5,000 GADGETS IDINONATE NG BOC SA DEPED

NAG-DONATE ng mga learning gadget ang Bureau of Customs sa Department of Education para sa online program ng kagawaran.

/ 31 January 2021

NAG-DONATE ng mga learning gadget ang Bureau of Customs sa Department of Education para sa online program ng kagawaran.

Pormal na tinanggap ni Education Secretary Leonor Briones ang mga gadget mula sa BOC sa isang turnover ceremony na ginanap kamakailan sa Bureau of Customs Situation Room sa Manila.

Ang turnover ceremony ay dinaluhan nina Education Undersecretary for Administration Alain Del Pascua at Education Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio. Kasama rin sa programa si Finance Secretary Carlos Dominguez III na nagbigay ng kanyang mensahe ng pagsuporta sa kaagawaran at sa implementasyon ng blended learning.

Ayon sa BOC, aabot sa 4,840 smartphones at 198 units ng laptop ang kanilang ibinigay sa DepEd na ipamamahagi sa mga mag-aaral na nasa ilalim ng distance learning, lalo na ang mga nasa online modality.

Ang mga idinonate na learning gadgets ay bahagi ng mga nakumpiskang kontrabando sa port ng Clark na ibibiyahe sana palabas ng Clark Freeport Zone.

Sa pamamagitan ng probisyon ng RA 10863 o kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act, na may approval ng Finance Secretary, ang nasabing donasyon ay para sa mga mag-aaral na apektado ng Covid19 pandemic.