Nation

PAGSIPA SA UST STUDENT LEADER IPINAREREPASO

/ 27 January 2021

UMAPELA si Kabataan Partylist Rep. Sarah Jane Elago sa University of Santo Tomas na muling pag-aralan ang kaso ng isang senior high school student na pinatalsik sa kanyang posisyon sa Student Council dahil sa pagsanib sa isang unrecognized organization ng unibersidad.

Ayon kay Elago, ang aksiyon na ito ng unibersidad ay malinaw na paglabag sa fundamental right to association ng estudyante.

“Kabataan partylist laments the reported dismissal of a senior high school student leader from his position in the student council for being part of a national youth organization and calling for an academic break. Nananawagan ang Kabataan na muling balikan ng UST ang kaso na ito,” pahayag ni Elago.

“Now more than ever, we should unite in upholding the rights of every Filipino regardless of age, gender and beliefs,” dagdag pa ng kongresista.

Hinimok ni Elago ang mga opisyal ng unibersidad na balikan at rebisahin ang kanilang student handbooks, partikular ang mga probisyon na may kinalaman sa promosyon ng human rights, academic freedom at empowerment sa loob ng campus.

“We also urge the UST administration to heed the call of their students and alumni in extending compassion and not repression in these difficult times of public health, climate and rights’ emergencies,”diin pa ng mambabatas.

Bukod sa pagsipa sa Student Council, hindi na rin pinayagan pang makapag-enroll sa unibersidad ang estudyante.