LORENZANA SA UP: PAGKAMATAY NG MGA ESTUDYANTE SA MILITARY OPS VS NPA IPALIWANAG
PINAGPAPALIWANAG ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang University of the Philippines hinggil sa pagkamatay ng kanilang mga estudyante sa ilang military operations laban sa New People’s Army bago nila talakayin ang ginawang pagkansela sa kanilang kasunduan.
“I’m willing to talk to him (UP President Concepcion) pero sagutin muna nila kung bakit namatay itong mga taong ito kasama ng NPA. This is a list of students of UP from all UP campuses na namatay during encounters with the Armed Forces.
“Explain to me, bakit nangyari ito sa kanila? Why did they fail to protect these young kids in joining this organization? As a parent, I really feel sad for these kids. If they can explain that, we’ll talk. If not, then forget it,” pahayag pa ng kalihim kasabay ng paglalabas ng talaan ng mga UP student na nasawi o nahuli sa mga inilunsad na military operations ng Armed Forces of the Philippines.
Sa press conference kahapon, sinabi ni Lorenzana na may mga namatay na UP students kasama ng mga rebelde.
Sinasabing namatay ang mga mag-aaral yakap ang maling idelohiya na ang karahasan ang sagot sa sakit ng lipunan. Ito umano ang katotohanan na hindi kayang sagutin ng communist movement at ng kanilang ng front organizations
Una rito ay hiniling ni UP President Danilo Concepcion sa Department of Defense na i-reconsider at bawiin ang pag-terminate sa naturang kasunduan.
Ayon kay Concepcion, ang hakbang ng kalihim ay nagdudulot ng chilling effect sa academic freedom sa pamantasan.