Nation

SENATE RESOLUTION VS TERMINATION NG UP-DND ACCORD ISINUSULONG

/ 20 January 2021

ITINUTULAK ng ilang senador ang resolusyon para sa pagpapahayag ng pagtutol ng Senado sa unilateral termination ng 1989 accord ng University of the Philippines at Department of National Defense.

Sa Senate Resolution 616, hinihikayat din ang UP at DND na magkaroon ng dayalogo at maghanap ng common ground para sa promosyon ng peace and security kasabay ng pagbibigay proteksiyon sa academic freedom nang hindi naisasakripisyo ang kalidad ng edukasyon.

Ang resolusyon ay nilagdaan nina Senators Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, Nancy Binay, Ralph Recto, Leila de Lima, Franklin Drilon at Joel Villanueva.

Nakasaad sa resolusyon ang ilang insidente ng maling akusasyon sa ilang estudyante ng unibersidad.

Kabilang dito ang pag-akusa sa mgs estudyante ng unibersidad na mga miyembro ng New People’s Army at pagpapadala pa ng death threats sa mga estudyante ng UP Manila na nanguna sa donation drive para tulungan ang mga frontliner noong Marso.

Gayundin ang pag-aresto at marahas na dispersal sa protesta ng ilang estudyante sa UP Cebu campus laban sa Anti-Terrorism Act noong Hunyo.

Magkakasunod ding kinondena ng mga senador na may-akda ng resolusyon ang termination ng kasunduan.

“Kung desidido ang administrasyon na maghanap ng komunista, pagdiskitahan nila ‘yung mga komunistang lantarang nanghihimasok sa West Philippine Sea,” pahayag ni Hontiveros.

“Instead of fostering unity as a people, the unnecessary abrogation of the agreement will only breed mistrust and bring us far apart. Ang panawagan ng panahon ngayon ay pagkakaisa — ang makaahon ang bayan sa gitna ng mga unos at pandemya,” giit naman ni Binay.

“The State should not break the accord with UP. We are facing a number of very important issues where the resources of the military and the police will be more efficiently utilized. We have the West Philippine Sea issue, increasing criminality due to POGOs, extrajudicial killings of doctors, lawyers, among other individuals. The university is a bastion of freedom. Let’s nurture our youth’s passion for political and social causes,” pahayag naman ni Villanueva.