Nation

3K NAVOTENO LEARNERS NABIYAYAAN NG LIBRENG MOBILE PHONES

/ 10 January 2021

NASA 3,057 estudyante mula sa mga pampublikong paaralan sa Navotas ang nabiyayaan ng smart phones.

Ang mga nabigyan ay nasa elementarya at sekondarya para sa school year 2020-2021.

Ang mga benepisyaryo ay kabilang sa mga idineklara noong enrollment na walang sariling gadget para sa online classes.

“We set aside P4.5 million from our Special Education Fund and realigned P9.8 million of our budget for the programs of the Navotas City Council for the Protection of Children. This enabled us to purchase 2,682 smart phones for our students,” sabi ni Mayor Toby Tiangco.

Nauna rito ay naglunsad si Mayor Tiangco ng online games sa kanyang social media fan page para mabigyan ang mga Navoteñong estudyante ng oportunidad na manalo ng gadget.

May 81 estudyante mula sa elementary hanggang college ang nakatanggap ng smart phones para sa kanilang online classes.