Nation

UTILITY ALLOWANCE SA MGA GURO SA PANAHON NG PANDEMYA IGINIIT

/ 5 January 2021

SA PAGPAPATULOY ng paglaban ng bansa sa Covid19 pandemic, isinusulong sa Kamara ang pagbibigay ng utility allowance sa mga guro.

Sa House Bill 7285 o ang proposed Teachers’ Utility Allowance Act, binigyang-diin ni Eastern Samar Lone District Rep. Maria Fe Abunda na maraming report na nabibigatan ang mga guro sa gastusin para sa kanilang internet services sa gitna ng umiiral na distance learning.

“The current health situation in the country has proven to mean costlier everyday expenses: the additional internet costs are simply not an option for many households,” pahayag ni Abunda sa kanyang explanatory note.

Iginiit ni Abunda na sa pamamagitan ng teachers’ utility allowance, matitiyak ang maayos na komunikasyon sa pagitan ng mga guro at ng mga estudyante, gayundin sa pagitan ng mga guro.

“This legislation, should it become law, will work hand-in-hand with the several measures forwarded by the different sectors of society so that when we are asked ‘paano na ang pag-aaral?’, we will be prepared with a concrete and positive answer,” diin pa ni Abunda.

Alinsunod sa panukala, pagkakalooban ng monthly internet allowance ang mga public school teachers bilang karagdagan sa kanilang salary at iba pang allowance.

Minamandato sa panukala ang kalihim ng Department of Education na agad isama sa kanilang programa ang pagbibigay ng naturang allowance.