10% BUWIS SA PANALO SA LOTTO IPINALALAAN SA EDUKASYON
NAIS ni Quezon City 2nd District Rep. Precious Hipolito Castelo na patawan ng 20 porsiyentong buwis ang mga panalo sa lotto.
Sa kanyang House Bill 2919, iginiit ni Castelo na panahon nang isabatas ang mode of sharing mula sa napanalunan sa lotto pot o grand draw.
“Lotto draws gain for government on one end and the betting universe on the other — if won — awesome amounts of money,” pahayag ni Castelo sa kanyang explanatory note.
“And the winner takes home such bagful of money that is sure to better his life, his extended family, his close relatives and associaties. In some sense, the winner also shares the blessings with others but largely, just a tiny circle of private individuals known only to him,” diin pa ng kongresista.
Binigyang-diin ng mambabatas na hindi na mabigat ang pagpapataw ng 20 porsiyentong buwis sa isang grand draw winner.
Alinsunod sa panukala, 10 porsiyento ng ikakaltas na buwis ay ipopondo para sa edukasyon habang ang 10 porsiyento pa ay para sa housing purposes.
Nakasaad din sa panukala na mandato ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang pagbalangkas ng mga regulasyon para sa pagpapatupad ng mga probisyon nito.