Campus

8 ESTUDYANTE NG ST. MARY’S WAGI SA ROBOT OLYMPIAD

/ 28 December 2020

IKINAGALAK ng pamunuan ng St. Mary’s ang pagwawagi ng Philippine Robotic Team sa kompetisyong nilahukan nito sa Daegu, Korea.

Walo sa mga miyembro ng PRT ay mula sa St. Mary’s habang ang iba ay sa mga kilalang eksklusibong paaralan.

Sa anunsiyo  ng nasabing Catholic school, humakot ang PRT sa 22nd International Olympiad ng 6 gold 6 silver, 12 bronze,  at 18 technical medals.

Ginanap ang kompetisyon noong Disyembre 7-11 kung saan aabot sa 520 learners mula sa anim na bansa ang lumahok.

Bukod sa St. Mary’s Academy students, ang PRT ay binubuo ng mga mag-aaral mula sa De La Salle Santiago Zobel HS, Philippine Science High School, MGC New Christian Academy at Bataan New High School.

Ang robotics ay makabagong pinag-aaralan sa  elementarya at sekondarya kung saan nahahasa sa siyensiya at teknolohiya ang mga mag-aaral.