HEALTH INSURANCE SA MGA ESTUDYANTENG LALAHOK SA F2F CLASSES DRY RUN ISINUSULONG
HINDI dapat papiliin ang mga mag-aaral sa pagitan ng dekalibreng edukasyon at ng kaligtasa’t kalusugan ngayong panahon ng pandemya, kung kaya isinusulong ng Aral Pilipinas na magkaroon ng health insurance ang lahat ng lalahok sa face-to-face classes dry run ng Department of Education sa Enero 2021.
HINDI dapat papiliin ang mga mag-aaral sa pagitan ng dekalibreng edukasyon at ng kaligtasa’t kalusugan ngayong panahon ng pandemya, kung kaya isinusulong ng Aral Pilipinas na magkaroon ng health insurance ang lahat ng lalahok sa face-to-face classes dry run ng Department of Education sa Enero 2021.
“Magbigay ng health insurance para sa lahat ng mag-aaral na sasailalim sa face-to-face classes,” wika ng grupo.
Dahilan nila, “pananagutan ng pamahalaan ang buhay at kalusugan ng mga estudyante at ng kanilang mga pamilya.”
Kasama ang Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid, inilatag din ng Aral Pilipinas ang apat na puntos ng kahingian sa DepEd at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases bago ipagpatuloy ang face-to-face classes. Tinawag nila itong #ApatDapat.
A-Air circulation, P-Physical distance (1 meter or more) A-Always wear mask and face shield at T-Thirty minutes interaction or less.
“Gamitin ang kakayahan ng paaralan na sumunod at magpatupad ng #APATDAPAT bilang basehan ng pagpili kung alin ang bubuksan sa pilot ng face-to-face classes. Ang #APATDAPAT ang rekomendasyon ng mga health professional na Healthcare Professionals Alliance Against Covid19 upang masiguro ang kaligtasan sa virus,” sabi ng grupo.
“Ipaliwanag sa mga magulang ang klarong basehan na ginamit ng DepEd para sa pagpili ng paaralan na bubuksan para sa face-to-face. Dagdag pa rito, kailangan din ng malinaw na polisiya paano ang ugnayan ng DepEd sa mga LGU lalo na sa contact-tracing at kung ano ang gagawin kung sakaling magkaroon ng kaso ng Covid19 sa kanilang lugar.”
“Siguraduhin na may opsiyon ang mga magulang at learners kung sakaling hindi sila sang-ayon sa face-to-face na classes. Panatilihin ang pagpapatupad ng ibang moda ng blended learning, tulad ng modular, online, at TV/radio-based instruction sa mga pilot na paaralan habang nagsasagawa ng face-to-face classes,” dagdag pa ng grupo.
Pinakamahalaga sa lahat, ayon sa Aral Pilipinas at SNPP, ay ang konsultasyon at diskusiyon sa mga magulang sapagkat “iisa lamang ang buhay ng aming mga anak.” Hindi umano dapat isapalaran ang buhay nang walang malinaw na polisiya at proteksiyon.
Itinakda ng Deped sa Enero 11-23, 2021 ang pilot testing ng face-to-face classes sa mga lugar na low-risk ang klasipikasyon ng pandemya.
Kasalukuyan nang inaaral ng kagawaran ang higit sa 1,000 paaralang posibleng buksan sa susunod na taon.
Sa kabila ng pagtutol ng ilang kongresista sa naturang plano’y kibit-balikat pa rin ang DepEd at patuloy sa kanilang paghahanda para rito.