Region

LIBRENG P.E. KITS SA GENSAN STUDENTS

/ 18 December 2020

NAMAHAGI ng physical education kits ang food and beverage company na Nestle Philippines sa mga mag-aaral ng General Santos City.

May 90,000 P.E. kits na naglalaman ng tatlong sachets ng Energy drink ang itinurn over sa DepEd General Santos City noong Biyernes. Ito ay bahagi ng healthier kids campaign ng kompanya.

Ang donasyong 270,000 Milo sachets ay bahagi ng Nestle For Healthier Kids campaign ng Nestle Philippines na naglalayong matulungan ang 7 milyong kabataan tungo sa isang malusog at aktibong buhay.

Isasabay sa pagpapadala ng modyul sa second quarter ang nasabing P.E. kits.

Dahil Christmas break na, ibibigay sa mga bata ang energy drink sa Enero, sabay sa distribusyon ng mga modyul para sa second quarter.

Lubos na nagpapasalamat si Schools Division Superintendent Romel Flores sa suportang natanggap mula sa Nestle Philippines.

Hinikayat din niya ang kompanya na makiisa sa DepEd GenSan, lalo na sa programang pang-isports kung saan nakilala ang nasabing produkto.