ZULUETA BAGONG PANGULO NG MARINDUQUE STATE COLLEGE
SA BISA ng Board of Trustees Resolution 73, s.2020 ay pormal nang naitalaga bilang bagong pangulo ng Marinduque State University si Dr. Diosdado Zulueta.
Si Zulueta ay dating naglingkod bilang Vice President for Administration and Finance bago naluklok na tagapangulo ng nasabing panlalawigang kolehiyo.
Siya rin ay kilalang akreditor ng mga programang akademiko ng State Universities and College sa buong Filipinas, sa ilalim ng Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines, Inc.
Mayroon siyang doktoradong digri sa Public Administration mula sa Polytechnic University of the Philippines-Sta Mesa. Nagtapos naman siya ng masteradong digri, sa parehong major, sa MSC Graduate School at ng batsiler sa Commerce, major in Management, sa St. Mary’s College (dating Immaculate Concepcion College).
Makailang ulit na siyang nakapagbahagi ng mga pananaliksik sa mga kumperensiya sa loob at labas ng bansa, bukod pa sa ‘di mabilang na mga limbag na artikulo para sa MSC man, sa bansa, o abroad.
Isa siya sa mga may-akda ng pangkolehiyong batayang libro ng General Psychology, limbag ng Mutya Publishing House, at ngayong panahon ng pandemya’y patuloy na nagsusulat at nagsusuri ng mga module at instructional materials para sa blended at online classes.