PILOT TESTING NG F2F CLASSES ITINAKDA SA ENERO 11-23, 2021
ITINAKDA sa Enero 11-23, 2021 ang pagdaraos ng dry run ng face-to-face classes sa mga lugar na nasa low-risk o mababa ang kaso ng Covid19.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang pilot test ay imo-monitor ng Department of Education at ng Covid19 National Task Force.
Base sa timeline na inilabas ng DepEd, magsusumite ang mga regional director kay Education Secretary Leonor Briones ng listahan ng mga nominated school hanggang Disyembre18.
Pipiliin naman ng DepEd chief ang pilot schools sa Disyembre 28.
Magkakaroon din ng orientation kasama ang mga opisyal ng kagawaran sa Enero 4 hanggang 8 para sa pilot implementation ng face-to-face classes.
Iginiit ni Roque na voluntary o hindi obligado ang mga estudyante na dumalo sa face-to-face classes.
“Voluntary ito sa parte ng mga magulang, mag-aaral, at mga lokal na pamahalaan.”