DRY RUN NG F2F CLASSES SA LOW COVID-RISK AREAS APRUB KAY PRES. DUTERTE
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Education para sa pagsasagawa ng pilot implementation o dry run ng face-to-face classes sa Enero ng susunod na taon.
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Education para sa pagsasagawa ng pilot implementation o dry run ng face-to-face classes sa Enero ng susunod na taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inparubahan ng Pangulo ang dry run sa mga piling paaralan sa mga lugar na mababa ang kaso ng Covid19.
Sinabi ni Roque na makikipag-ugnayan ang DepEd sa Covid19 National Task Force para sa monitoring ng pilot implementation.
“The pilot shall be done under strict health and safety measures, and where there is commitment for shared responsibility among DepEd, local government units and parents,” pahayag ni Roque.
Gayunman, binigyang-diin ni Roque na ang face-to-face classes sa mga paaralang papayagang makiisa sa pilot implementation ay gagawing voluntary at hindi cumpulsory sa mga estudyante at magulang.
“Having said this, a parent’s permit needs to be submitted for the student to participate in face-to-face classes,” paglilinaw pa ni Roque.
Una nang nanindigan ang Malakanyang na walang face-to-face classes habang wala pang bakuna laban sa Covid19 upang maiwasan ang muling pagtaas ng kaso ng virus.