MGA KLASRUM SA FILIPINAS ‘MOST CROWDED’ SA ASIA — UNESCO
PINALAGAN ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang mistulang pagbato na naman ng sisi sa mga guro kaya mababa ang performance ng mga estudyanteng Pinoy sa mga international test.
“Pasan-pasan na nga ng mga guro ang bigat na dulot ng distance learning, nasa guro na naman ang sisi sa mababang assessment samantalang hindi man lang nakita ng DepEd ang pagkukulang nila,” diin ni Castro.
“Investing on the needs of our teachers by giving them just remuneration, ensuring that they will not have out-of-pocket expenses, and removing teaching overloads and non-teaching duties will be the key factors to perform better in their teaching tasks and help the youth score better in international assessments,” dagdag pa niya..
Ayon pa kay Castro, hindi mga guro kundi ang congested K to 12 curriculum ang dahilan ng pangungulelat ng Filipino Grade 4 students sa international assessment sa Math at Science proficiency.
“DepEd’s incompetence immensely impacts teachers and students’ performance. The poor performance of Filipino students in Trends in International Mathematics and Science Study 2019 marks the failure of DepEd’s K to 12 program. Among the outputs of DepEd’s incompetence and haphazard implementation of so-called education reform is the curriculum congestion, which compromises adequate teaching time and students’ deeper understanding. This is worsening under the case of blended learning scheme,” pahayag ni Castro.
Iginiit ng kongresista na malinaw sa mga resulta ng international assessments na hindi natutugunan ng K to 12 program ang pagpapabuti ng kalidad ng basic education sa bansa.
“How can we expect to perform well in global assessments if our government continues to turn a blind eye to the perennial problems of shortages in the basic education system?” dagdag ni Castro.
Sinabi ni Castro na halo-halo ang K to 12 curriculum kaya lalo lamang nahihirapan ang mga estudyante na matuto.
“K to 12 curriculum implements the ‘chopsuey method’ where teachers are forced to teach a little of everything is ineffective in attaining a mastery of skills in Math and Science. Dahil kalat-kalat ang pamamaraan ng pagtuturo, kada taon ay kinakailangang magsimula muli sa review ng bawat lesson bago makapagpatuloy sa aktwal na ituturo, na lumala pa lalo ngayon sa sitwasyon ng blended learning,” paliwanag ng mambabatas.
Sinabi ni Castro na maging sa panahon ng pandemya, hindi nawawala ang maraming bilang ng mga estudyante sa isang klase na isa sa major factor ng pagbagsak ng kalidad ng edukasyon.
Binanggit pa niya na batay sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization’s Institute, ang mga klasrum sa Filipinas ang most crowded sa Asia.