ROBOTICS PROJECT NG LIGAO NHS WAGI SA INNOBOX 2020
NAIUWI ng Ligao National High School, Albay ang kampeonato sa katatapos lamang na InnoBox 2020: Search for the Most Innovative Teaching and Learning Resources in Science and Mathematics.
Ang proyekto, na tinawag na Puzzle for Inventive Thinking and Reflective Exploration in Science, ang nanguna sa patimpalak na sinalihan ng higit sa 140 paaralan sa Filipinas.
Ang PITREX ay may 100 magkakaibang hugis na sinet-up sa paraang robotics na maaaring magamit ng mga guro upang higit na epektibong maituro ang mga asignaturang kemistri, pisika, at matematika.
Lakip din sa proyekto ang mga learning module na siyang gabay sa pag-utilisa sa robot at ang paliwanag sa bawat learning competency na naaabot nito.
Ang PITREX ay likha ng senior high school students na sina Verwen Cogasa, Arnulfo Kier Requio, Alexander Marie Prelligera, Jan Enlil Par, at Syv Callope. Katuwang nila ang mga tagapayong sina Rommel Carl Peralta at Jojim Cordova.
Labis ang kagalakan ng Department of Science and Technology sa PITREX, gayundin sa lahat ng mga paaralang nagpakitang-gilas sa ikalawang taon ng InnoBox na may layuning hikayatin ang mga guro na maging mas masining sa pagtuturo ng mga kursong Science, Technology, Engineering, at Mathematics.
Ayon sa DOST, nasa 140 na proposals ang kanilang natanggap mula sa mga pribado at publikong paaralan sa Filipinas na nahati sa tatlong kategorya — elementary, hayskul, at senior hayskul.
Sa elementary category, ang nagwagi ng mga karangalan ay ang Agusan Del Sur Pilot ES, Pio Valenzuela ES, at Jose Zurbito Sr. ES.
Sa hayskul (junior) naman ang Napsan National HS, Cavite Science Integrated School, at Tanza National trade School.