P5-B SA ‘BAYANIHAN 2’ HINDI SAPAT PARA ISALBA ANG 7-M ‘DROP OUT’ – LADY SOLONS
DALAWANG babaeng kongresista ang mariing humihirit ng karagdagang pondo upang maisalba umano ang mahigit pitong milyong mag-aaral na namumurong maging ‘drop out’ o tambay dahil sa kakapusan ng pera ng kani-kanilang pamilya dahil sa epekto ng pandemya.
DALAWANG babaeng kongresista ang mariing humihirit ng karagdagang pondo upang maisalba umano ang mahigit pitong milyong mag-aaral na namumurong maging ‘drop out’ o tambay dahil sa kakapusan ng pera ng kani-kanilang pamilya dahil sa epekto ng pandemya.
Pinaaagapan ng dalawang mambabatas ang milyon-milyong bilang ng mga estudyanteng tiyak umanong hindi makakapag-enrol ngayong School Year 2020-2021 sa pamamagitan ng ayuda ng gobyerno sa ilalim ng panukalang batas na ‘Bayanihan 2.’
Sa magkakahiwalay na pahayag, labis na nabahala sina Kabataan partylist Rep. Sarah Elago at BH partylist Rep. Bernadeth Herrera sa mga ulat na umaabot umano sa sobrang pitong milyon ang hindi nakapag-enroll ngayong pasukan..
“Nakakabahala ito dahil mga mahihirap na kabataan ang ito na mapagkakaitan ng edukasyon,” ani Elago kaya hiniling nito na dagdagan ang emergency funds para sa sektor ng edukasyon sa ilalim ng ‘Bayanihan 2.’
Base sa nasabing panukala na pinagtibay na sa ikalawang pagbasa sa Kamara, halos P5 bilyon lamang ang ibinigay sa sektor ng edukasyon, kasama na ang mga primary, secondary at tertiary level at mga ayuda sa mga guro.
“Tiyak na hindi makasasapat ang nasabing halaga para isalba ang mga kabataang magdo-drop out,” pahayag ng mambabatas, sabay sabing “mayroon pang panahon ang Kongreso para mapunuan ang pondo ng sektor ng edukasyon dahil nakatakdang pagtibayin pa lamang sa ikatlo at huling pagbasa ang ‘Bayanihan 2.’
Base sa mga ulat, umaabot lamang sa 20.7 million ang nag-enroll hanggang noong Hulyo 16, 2020 kaya kapos umano ito ng pitong milyon para umaabot sa 27.7 million na enrollment sa buong bansa noong nagdaang taon.
“This number is almost double the 3.6 million OSCY in 2017, the last year for which data are available,” ayon naman kay Herrera, na nagbase ng datos mula sa Philippine Statistics Authority.
Ayon sa mambabatas, hindi dapat sukuan ng Department of Education ang pitong milyong kabataan na nanganganib maging tambay dahil may dalawang linggo pa umano para gawan ng paraan ang problemang ito.
Sa darating na Agosto 24 na ang pagbubukas ng klase sa buong bansa kung saan idadaan sa hybrid system ang pagtuturo sa mga kabataan dahil sa kinaharap na problema sa Covid19 pandemic.