Region

5,000 UNITS NG TABLETS ITINURN OVER SA DEPED, MANDAUE

/ 5 December 2020

MAY 5,000 units ng tablets ang itinurnover sa Department of Education Mandaue City Division ng lokal na pamahalaan.

Ito ay pinangunahan ni Mandaue City Mayor Jonas Cortes kung saan ginaganap ang turnover ceremony sa city hall.

Ang mga tablet ay para sa mga Senior High School student sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Ayon kay Cortes, ngayong panahon ng pandemya ay maraming mga estudyante ang walang pambili ng mga gadget na kailangan sa online at distance learning.

Dagdag pa niya, hindi lang ito para sa mga estudyante kundi para rin makatulong sa mga guro na mapadali ang komunikasyon sa mga mag-aaral.

Bukod sa 5,000 units ng tablets, inaasahan din sa mga susunod na linggo ang pagdating ng 16,200 units pa ng tablets para naman sa mga estudyante sa Junior High School.

Samantala, may 623 units naman ng laptop ang ipamamahagi sa mga guro.

Ang nasabing mga gadget ay mayroon nang pre-installed apps, na aprubado ng DepEd upang magamit ng mga mag-aaral.