Nation

CABUGAO SCHOOL OF HANDICRAFT GAGAWING CATANDUANES POLYTECHNIC INSTITUTE

/ 2 December 2020

APRUBADO na sa House Committees on Higher and Technical Education at Appropriations ang panukala para itaas ang antas ng Cabugao School of Handicraft and Cottage Industries sa bayan ng Bato, Catanduanes.

Inaprubahan ng mga komite ang House Bill 8006 bilang substitute bill sa House Bill 4686 at House Bill 5131 na nagsusulong sa conversion ng paaralan bilang Catanduanes Polytechnic Skills Development Institute.

Ang panukala ay isinusulong nina Representatives Jose Teves, Hector Sanchez, Mark Go at Eric Go Yap.

Batay sa panukala, ang CPSDI ay mag-aalok ng technical-vocational education training pro-grams upang makatugon sa demand ng local at international market.

“The Institute shall upgrade its curricular standards as a tertiary TESDA-polytechnic skills educational institution and provide higher level competency qualifications for instructors in TESDA-registered TVET programs and certificate courses,” pahayag ng mga kongresista sa panukala.

Magbibigay rin ang institusyon ng scholarships, grants-in-aid at student financial assistance para sa mahihirap na estudyante, out-of-school youths, persons with disabilities at indigenous peoples sa munisipalidad ng Bato at mga karatig-bayan.

Kabilang sa mga programa ng institusyon ang skills training sa industrial technology; tourism and hospitality-related courses; agriculture and aquaculture-related trainings and skills development at livelihood skills development courses.

Kasama rin sa programa ang basic business literacy training sa financial management; technical-vocational occupation; computer literacy and information technology-related skills; social communication skills and language proficiency; at seminars sa personality development.