Nation

HEALTHY EATING HABITS NG MAG-AARAL PINATITIYAK NG KONGRESISTA

/ 26 November 2020

ISINUSULONG ni Isabela 6th District Rep. Faustino Dy V ang panukala na titiyak na binabantayan ang healthy eating habits ng mga estudyante sa mga paaralan.

Sa paghahain ng House Bill 6469 o ang proposed Healthy Canteen Law,  sinabi ng kongresista na nagpapatuloy ang pagtaas ng under at over-nutrition sa mga estudyante sa Filipinas dahil hindi sapat ang nutrisyon ng kanilang mga kinakain.

“Unhealthy eating patterns — more sugar, fats, oils, and less leafy vegetables and whole grain cereals, and sedentary lifestyle led to an upward surge in overweight and obesity,” pahayag ni Dy sa kanyang explanatory note.

Sinabi ni Dy na layon ng kanyang panukala na mabawasan ang panganib ng lifestyle diseases at sanayin ang mga estudyante sa healthy eating habits.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbabawal ng pagbebenta, distribusyon o promosyon ng junk foods at sugary drinks sa loob ng mga paaralan at hanggang 100 metro na layo sa public at private elementary at high schools.

Alinsunod sa panukala, ang mga lalabag ay papatawan ng multang mula P25,000 hanggang P100,000 o pagkakulong na mula anim na buwan hanggang isang taon.

Batay rin sa panukala, mandato ng mga kalihim ng Departments of Education at Health na bumalangkas ng rules and regulations sa pagpapatupad nito.